RMN
VerifiedRadio
RMN is the largest radio network in the Philippines with almost 65 company-owned AM & FM radio stations located around the Philippines. Radio Mindanao Network remains the legal name of the radio network. The network's first radio station was DXCC, established in Cagayan de Oro in Mindanao on August 28, 1952. The callsign has been supposed as a reference to the surnames of the business' founders (Canoy and Cui) but, according to founder Henry Canoy in his memoir, was actually chosen to mean Cagayan de Oro Community. Source
Actions
Media Outlet details
| Scope | National |
|---|---|
| Language | Cebuano, English, Tagalog |
| Country | Philippines |
|
Similarweb UVM |
Request pricing |
|
Comscore UVM |
Request pricing |
| Radio Media Market | N/A |
| Radio Format | Traditional Pop Music |
Recent Articles
Search ArticlesEx-Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat bumalik sa Pilipinas
Hinamon ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na bumalik sa Pilipinas upang harapin ang kanyang mga kaso at huwag ng magbigay pa ng kung anu-anong rason. Mensahe ito ni Barbers kasunod ng pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ibinasura ang hirit ni Roque na asylum sa Austria.
Pasaring ng dalawang senador sa socmed, hindi pa tapos; Sen. Alan Cayetano, sinita ang paglaban sa korapsyon ni Sen. Ping Lacson
Tinuligsa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senator Ping Lacson sa paglaban nito sa korapsyon. Ang pahayag ni Cayetano ay kaugnay sa sinabi niyang may mga banta sa mga myembro ng Minority bloc na sinagot naman ni Lacson sa kanyang X post na kung nasisindak ang mga tiwali sa kanyang kampanya ay nangangahulugan lamang na may ginagawa siyang tama at mabuti para sa bansa.
Batas at proseso ang dapat masunod sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez —Palasyo
Iginiit ng Palasyo na hindi dapat magkaroon ng special treatment kay dating House Speaker Martin Romualdez matapos itong ilipat sa New Quezon City Jail. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, dapat pantay ang pagtrato sa lahat ng nahaharap sa kaso, mayaman man, mahirap, ordinaryong mamamayan o dating makapangyarihang opisyal. Gayunman, binigyang-diin ni Castro na nananatiling inosente sa mata ng batas ang isang akusado hangga’t wala pang pinal na hatol ang korte.
Kampanya laban sa cybercrime, pinaigting ng PNP kasunod ng pagtaas ng ulat sa mga naging biktima nito
Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya nito laban sa mga banta online kasunod ng malaking pagtaas sa bilang ng mga naiulat na naging biktima ng cybercrime. Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula June 20 hanggang 29 sa 1,200 na respondent sa buong bansa, umabot sa 8 percent ang mga pamilyang Pilipinong naging biktima ng cybercrime, mula sa 5.8 percent na naitala noong Marso.
Atty. Michael Poa, mananatiling abogado at spokesperson ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial
Nilinaw ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na mananatili itong abogado at tagapagsalita ng defense team sa Impeachment Trial na nagaganap sa Senado. Ito ay kasunod ng pag-anunsyo kay Atty. Paolo Panelo bilang bagong tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte . Ayon kay Poa, pagdating sa impeachment ay siya pa rin ang magiging tagapagsalita kasama ni Atty. Justin Gular lalo na sa usapin ng estratehiya. Ayon pa kay Poa, maaari rin namang magsalita si Atty.
PBBM, pursigido pa ring maalis ang system loss charge
Iginiit ng Malacañang na pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyang maalis ang system loss charge sa electric bill na dagdag pasanin sa mga konsyumer. Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, batid ng mga mambabatas ang prayoridad ng Pangulo at ang mga hakbang na makapagbibigay-ginhawa sa publiko. Matatandaang sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), hiniling ng Pangulo ang pagtanggal sa system loss charge.
Sen. Ping Lacson, itinanggi na may pahayag siyang dapat matapos ang impeachment trial sa Disyembre
Pinabulaanan ni Senator Ping Lacson na wala siyang sinabi na dapat matapos na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Disyembre. Ito ay matapos na ihayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kahapon na sinabi ni Lacson na pagkatapos ng impeachment trial sa Disyembre ay may kasong nakasampa na laban sa kanya at may mga banta sa mga myembro ng oposisyon. Giit ni Lacson, wala siyang sinabing ganito lalo na ang dapat ay matapos ang impeachment sa Disyembre.
Deliberasyon ng panukalang 2027 national budget sa plenaryo ng Kamara, umarangkada na
Umarangkada na simula kahapon ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa House Bill 10858 o panukalang 2027 National Budget na nagkakahalaga ng P7.2 trillion. Sa kanyang sponsorship speech ay tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing na bubusisiin nilang mabuti ang bawat line item sa budget upang matiyak na bawat piso ay may saysay, tiyak na kapaki-pakinabang, at direktang makakabuti sa bawat pamilyang Pilipino.
VPSD, dapat maunang magbitiw bago ipanawagan ang resignation ni PBBM
Para kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, mainam kung maunang gawin ni Vice President Sara Duterte (VPSD) ang panawagan nya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabitiw sa pwesto. Sabi ni Ortega, kung bababa sa pwesto si VPSD ay baka mabawasan na ang mga problemang kinakaharap nito. Pinuna din ni Ortega ang pagpatol, pagtwist at pagbibigay ng ibang pakahulugan ni VPSD sa mga pahayag ni PBBM.
COMELEC, itinangging sa Pilipinas nangyari ang video ng gulo na kumalat sa social media sa gitna ng BARMM Elections
Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang kumalat na video sa social media na kung saan nagkagulo umano sa kalagitnaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections kahapon. Sa ibinahaging post ng isang “Ib’n Ahmad kung saan mayroong barilan at mga nagtakbuhang indibidwal at ipinapahiwatig na nangyari ito sa kasagsagan ng halalan.