Is this you? As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.
Claim your profile
Articles by Art Torres
DOJ Legal Opinion No. 16 at rice import issue, binatikos ng FFF; leave of absence ni Sec. Laurel, ipinanawagan
Hinimok ng Federation of Free Farmers (FFF) at mga kaugnay na alyansa ng mga magsasaka ang Department of Justice (DOJ) na bawiin ang kontrobersyal nitong Legal Opinion No. 16, habang nanawagan naman kay Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na mag-leave of absence out of delicadeza kaugnay ng usapin sa rice importation.
Bagyong ‘Champi’ muling naging super typhoon bago pumasok sa PAR, papangalanang ‘Rosal’
Muling lumakas at naging super typhoon ang Bagyong “Champi” nitong Hulyo/Oktubre habang patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa state weather bureau PAGASA. Sa 5 p.m. bulletin ng PAGASA nitong Lunes, huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,515 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon.
Atin Ito Coalition, pinarangalan LGU leaders na sumusuporta sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea
Pinarangalan ng Atin Ito Coalition nitong Lunes ang ilang mga pinuno ng lokal na pamahalaan (LGU) na patuloy na sumusuporta sa mga mangingisdang Pilipino at mga frontliners sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa pahayag ng Atin Ito, isinagawa ang naturang pagpaparangal sa isang forum sa Quezon City na inorganisa kasama ang Center for Information Resilience and Integrity Studies (CIRIS), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo).
Panukalang batas para sa proteksyon ng Verde Island Passage, ipinanawagan
Nagsama-sama ang mga samahan ng mangingisda at mga advocate mula sa Protect Verde Island Passage (Protect VIP) Network sa isang kilos-protesta sa University of the Philippines Diliman noong Huwebes upang ipanawagan sa Kongreso ang mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay ng permanenteng legal na proteksiyon sa Verde Island Passage (VIP).
SSS 2026 Balikat ng Bayan Awards: Mga katuwang sa proteksyon ng manggagawa, kinilala
Matagumpay na naisagawa ang 2026 Balikat ng Bayan Awards ng Social Security System (SSS) bilang pagkilala sa mga katuwang nitong institusyon at kumpanya na patuloy na nagtataguyod ng proteksyon at seguridad para sa bawat miyembro nito. Nanguna sa ginanap na pagpaparangal sina SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro at Executive Vice President Ernesto Francisco, kasama ang iba pang opisyal ng ahensya.
Paghahabi muling binigyang-buhay sa PHWF 2026 sa Araneta City
Muling bibigyang-buhay ang mayamang kultura at sining ng paghahabi sa bansa sa pagbubukas ng Philippine Handloom Weaving Festival (PHWF) 2026, na gaganapin mula Setyembre 18 hanggang 20, 2026 sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2, Araneta City. Sa ilalim ng temang “Experience the Soul and Innovation of Filipino Textiles,” layunin ng tatlong araw na pagtitipon na magbigay ng platform para sa mga lokal na tagahabi upang maipamalas ang mga likhang-kamay na nakaugat sa tradisyonal na kulturang Pilipino.
PAGLIPAT KAY ROMUALDEZ SA CAMP CRAME, HIHILINGIN NG DILG
Nakatakdang hilingin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Sandiganbayan na ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula sa Cardinal Santos Medical Center patungo sa PNP General Hospital sa Camp Crame. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ihahain ang nasabing petisyon upang tiyaking masusubaybayan ng pulisya ang kalagayan ng dating opisyal habang nasa ilalim ng arrest order.
La Mesa Dam at San Juan River nasa alert level 3 – QC LGU
Nagpalabas ng direktang babala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ngayong Lunes, Agosto 17, 2026, para sa mga residenteng naninirahan sa mga mabababang komunidad dahil sa posibleng matinding pagbaha dulot ng kritikal na pagtaas ng tubig sa La Mesa Dam at mga pangunahing ilog sa lungsod. Batay sa ulat nitong 3 PM, umabot sa 79.69 meters ang tubig sa La Mesa Dam habang 14.25 meters naman ang San Juan River na parehong nailagay sa Alert Level 3.
‘Sulo ng Pananagutan,’ inilunsad ng Kingdom Keepers laban sa disinformation at banta sa demokrasya
Inilunsad ng interfaith at civic group na Kingdom Keepers ang “Sulo ng Pananagutan” kasabay ng isang theological forum at news briefing na ginanap sa Obispado de Cubao, Lungsod Quezon, ngayong Martes, Agosto 4.
‘Here Comes the Sun!’ Report ng Greenpace at NAPC, isunulong ang pagpasa sa CLIMA bill
Pormal nang inilunsad ng Greenpeace Philippines katuwang ang National Anti-Poverty Commission – Victims of Disasters and Calamities Sectoral Council (NAPC-VDCSC) ang pananaliksik na “Here Comes the Sun: Climate Justice-based Recommendations for Protecting Communities From Extreme Heat” sa B Hotel. Binigyang-diin sa nasabing ulat ang mga malalaking butas at kakulangan sa kasalukuyang mga polisiya at pamamahala ng gobyerno na nagpapabagal sa pagtugon ng bansa sa matinding banta ng extreme heat.
Zamboanga Peninsula, nakuha ang grand prize sa ‘Walang Gutom Kusinero’ Cook-Off Challenge 2026
Hinirang na grand winner ang mga benepisyaryo mula sa Zamboanga Peninsula sa katatapos lang na “Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge 2026” National Finals na ginanap sa Quezon City MICE Center. Inanunsyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang tagumpay ng Region 9 sa kanilang entry na Mong Gu’t Marang sa Gata with Tusaba Corn.
Hiling na kanselahin ang permit sa pagmimina sa Nueva Vizcaya, idinaing sa DENR
Nagmartsa patungo sa central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ang mga katutubo mula sa Kasibu at Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, kasama ang mga environmental advocate, ngayong Martes, Hulyo 14, 2026. Layunin ng kilos-protesta na kalampagin ang kagawaran upang bawiin at kanselahin ang exploration permit na ipinagkaloob sa North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC).
DA naglaan ng P250-M para sa modernong imbakan ng binhi laban sa kalamidad
IMBAKAN NG BINHI PARA SA KALAMIDAD AT FOOD SECURITY. Personal na nainspeksyon nina Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco P. Tiu Laurel Jr. at Bureau of Plant Industry (BPI) Director Glenn Panganiban ang bagong pasang-ayang National Seed Reserve Facility sa BPI Compound, Lungsod ng Quezon ngayong Huwebes, Hulyo 2, 2026.
QC, pinangunahan ang kauna-unahang ‘Pride Talk’ para sa karapatan ng LGBTQIA+
BUONG pagmamalaking naging host ang Quezon City sa kauna-unahang “QC Pride Talk: Everything You Need to Know About Queer Rights.” Layunin ng aktibidad na ito na pagsama-samahin ang mga kilalang pinuno, tagapagtanggol ng karapatang-pantao, mga eksperto, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community para sa isang serye ng makabuluhang diskurso at mga makukulay na kwento.
San Juan, handa na sa Wattah Wattah Festival 2026
Tiniyak ni Mayor Francis Zamora na plantsado na ang lahat ng latag sa seguridad, trapiko, at mga aktibidad para sa darating na Kapistahan ni San Juan Bautista sa Hunyo 24. (Kuha ni ART TORRES) Todo-kayod na ang pamahalaang lungsod ng San Juan para sa pagdiriwang ng taunang Wattah Wattah Festival sa darating na Hunyo 24, kung saan plantsado na ang mga itinalagang “Basaan zones,” liquor ban, at ang deployment ng may 400 tauhan ng pulisya.
‘Duck, cover, hold’ isinagawa ng mga mag-aaral sa Quezon City
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Corazon C. Aquino Elementary School sa Quezon City sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 ngayong Huwebes, Hunyo 18, 2026. Sa hudyat ng sirena na nagbabadya ng pagyanig, mabilis at maayos na isinagawa ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng “Duck, Cover, and Hold.” Agad na sumilong ang mga bata sa ilalim ng kanilang mga desk upang protektahan ang kanilang sarili habang nagaganap ang simula ng paglindol.
UP Diliman, handa na para sa taunang Pride March sa Hunyo 27
Isang dambuhalang rainbow installation ang halos lumilim ngayon sa tanyag na Oblation statue sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Martes, Hunyo 16, 2026. Ito’y matapos mapuno ng mga makukulay na banderitas at mga Pride flag ang kahabaan ng unibersidad bilang hudyat ng paghahanda para sa taunang Pride March na nakatakda sa darating na Hunyo 27.
Ex-Gov Chavit Singon arestado sa Kyusi
Inaresto ng mga awtoridad ang dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Singson nitong Huwebes, Hunyo 11, sa kasong cyberlibel, ayon sa ulat ng pulisya. Batay sa police spot report, ang 84-anyos na si Singson ay hinuli sa loob mismo ng kanyang tirahan sa Quezon City. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng Vigan City Regional Trial Court Branch 21.
Mural para sa Pride Month, inilunsad ni QC Mayor Joy Belmonte sa Araneta City
PORMAL nang pinasinayaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinakabagong street art na pinamagatang “Free to be Hue” mural sa Araneta City, Cubao, Lungsod ng Quezon. Ang nasabing sining ang magsisbing tampok na obra at sentro ng kampanya ng kilalang commercial district para sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.
Cayetano, Padilla, at Aplasca kinasuhan sa Ombudsman sa pagtakas ni Bato
Pormal na nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman nitong Miyerkules ang isang koalisyon ng mga human rights advocates, mga pinuno ng simbahan, akademiko, grupo ng kabataan, labor organizers, at mga pamilya ng mga biktima ng ‘drug war’ ng administrasyong Duterte laban sa ilang matataas na opisyal ng Senado.
DA SEC. GUEVARRA, NAG-INSPEKSYON SA MEGA-Q-MART
Personal na pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Genevieve Guevarra ang pag-inspeksyon sa mga retail na tindahan ng bigas sa Mega-Q-Mart sa Quezon City ngayong Biyernes, Mayo 22, 2026. Ang sorpresang pagbisita ay bahagi ng mahigpit na pagsubaybay ng pamahalaan sa pagsunod ng mga negosyante sa Executive Order No. 118. Sa ilalim ng naturang kautusan, ipinatutupad ang P50-per-kilo na price cap sa bigas na tatagal sa loob ng 30 araw. BASAHIN: REP.
QC inilunsad ang ‘QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo’ para sa transparency sa mga proyekto
Pormal nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang makabagong digital platform na “QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo” sa isang press conference ngayong Lunes, Mayo 18, 2026. Ang paglulunsad ay bahagi ng pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Open Government Week 2026.
Kampo ni Atty. Mans Carpio, itinangging may P6.7-B sa bangko
Tahasang itinatwa ng kampo ni Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ang mga ulat na naglalaman ng kabuuang P6.7 bilyon ang kanilang mga bank account. Sa isang pahayag nitong Lunes, tinawag ng kaniyang legal counsel na isang malaking “kasinungalingan” at “bloated” o pinalobo lamang ang naturang halaga. Ayon kay Atty. Peter Paul Danao, abogado ni Carpio, walang batayan ang numerong inilabas sa pagdinig ng Kamara.
Pagnanakaw sa pawnshop via tunnel, napigilan ng QCPD
Nabulilyaso ang planong pagnanakaw sa isang pawnshop sa Brgy. Nova Proper, Novaliches, matapos madiskubre ng mga awtoridad ang isang tunnel na hinukay ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Ayon sa ulat ng Novaliches Police Station (PS 4), nagsimula ang imbestigasyon matapos makarinig ng kakaibang ingay sa manhole ang security guard ng pawnshop noong gabi ng Abril 22.
Wage tax reform at ‘decent work,’ isinigaw sa ika-124 na Labor Day
Naging sentro ng pagdiriwang ng ika-124 na Labor Day sa bansa ang panawagan para sa wage tax reform at pagsusulong ng “disenteng trabaho” para sa lahat ng Pilipino, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Binigyang-diin ni Trabaho Party-list Rep. Johanne Bautista na kailangan ng mga manggagawa ng mas matibay na suportang pang-ekonomiya.
Higanteng effigy nina Marcos, Trump, at Netanyahu, inihanda ng KMU para sa Labor Day 2026
Tinatapos na ng mga artist at progresibong grupo ang isang malaking mural at effigy na naglalarawan kina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, US President Donald Trump, at President Ferdinand Marcos Jr. sa headquarters ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Ang nasabing likhang-sining ay magsisilbing sentro ng protesta sa darating na Araw ng Paggawa, Mayo 1, 2026.
Sigaw ng labor groups: Sahod itaas, buwis ibaba
Nagkaisa ang mga pinuno ng pinakamalalaking labor coalitions sa bansa ngayong Abril 28, 2026, upang ilunsad ang isang higanteng mobilisasyon para sa nalalapit na Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Sa isang joint press conference, pormal na nagbuklod ang mga lider mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition, at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Atty. Manases Carpio, nagsampa ng reklamo vs BSP Governor, AMLC Officials, at mga miyembro ng Kongreso
Pormal na nagsampa ng reklamong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office si Atty. Manases Carpio, asawa ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at ilang mambabatas ngayong araw. Kasama ang kanyang abogado na si Atty.
San Juan City, inilunsad ang ‘Ligtas Tigdas’ campaign
Dinagsa ng mga magulang at kanilang mga anak ang paglulunsad ng kampanyang “Ligtas Tigdas” sa lungsod na ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Immunization Week 2026. Ang aktibidad, na pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ngayong Abril 27, 2026, ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
ATIN ITO Coalition, inilunsad ang ika-apat na Civilian Mission sa West Philippine Sea
Pormal nang ibinahagi ng ATIN ITO Coalition ang mga detalye para sa kanilang ika-apat na civilian mission sa West Philippine Sea (WPS) sa isang press briefing ngayong Abril 27, 2026. Sa ilalim ng temang “Balik-Pag-asa,” binigyang-diin ng grupo na ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang upang patatagin ang “mapayapang presensya ng mga sibilyan at pagpapakita ng pakikiisa sa mga komunidad ng Pilipino” sa naturang bahagi ng teritoryo ng bansa.
Dose-dosenang taxi driver, dagsa sa LTFRB para sa P5,000 fuel subsidy
Pumila ang dose-dosenang taxi driver sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ngayong Biyernes, Abril 24, 2026, upang makuha ang kanilang fuel subsidy sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ang nasabing ayuda ay bahagi ng fuel subsidy program ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng P5,000 cash assistance sa mga kwalipikadong drayber.
Kalidad ng buhay ng Pinoy, sumadsad sa pinakamababang antas sa loob ng apat na taon – SWS
Kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing sumama ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Miyerkules. Batay sa pag-aaral na isinagawa mula Marso 24 hanggang Marso 31 ngayong 2026, lumabas na 50 porsyento ng mga respondent ang itinuturing na “losers” o mga nagsabing lumala ang kanilang buhay kumpara sa nakalipas na taon.
AKBAYAN YOUTH, MARIING KINONDENA ANG HINDI PAGSIPOT NI VP SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT HEARING
Tahasang binatikos ng grupong Akbayan Youth si Bise Presidente Sara Duterte matapos itong hindi humarap sa unang pagdinig ng House Committee on Justice noong Marso 25. Ang nasabing hearing ay naglalayong busisiin ang mga seryosong alegasyon ng korapsyon na kinakaharap ng Pangalawang Pangulo. Ayon kay Khylla Meneses, National Chairperson ng Akbayan Youth, ang hindi pagsipot ni Duterte ay isang malinaw na pag-iwas sa katotohanan at pagtalikod sa kanyang pananagutan sa publiko.
ILEGAL NA IMBAKANG NG DIESEL SA ISANG RESIDENTIAL AREA SA QC, INIIMBESTIGAHAN NA
Sumasailalim na sa masusing imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) ang nadiskubreng ilegal na imbakan ng krudo sa isang residential area sa Scout Castor St., Brgy. Sacred Heart, kasunod ng isinagawang joint multi-agency inspection. Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Randy Glenn Silvio, sinimulan ang operasyon matapos makatanggap ng ulat noong Abril 4 tungkol sa isang tanker truck na nagtangkang mag-deliver ng diesel sa isang pribadong ari-arian.
Number coding sa MM, suspendido simula Miyerkules Santo
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng MMDA Holy Week Traffic Scheme 2026. Simula alas-12 ng tanghali sa Holy Wednesday, sususpindihin ang number coding scheme sa buong Metro Manila. Ayon kay Edison “Bong” Nebrija, ang temporaryong suspensyon ay tatagal hanggang alas-12 ng tanghali sa susunod na Lunes, Abril 6. Bukod dito, papayagan na rin ang mga bus na dumaan sa kahabaan ng EDSA upang mapabilis ang pagbiyahe ng mga bakasyonista.
KAKULANGAN SA JEEP, NAGDULOT NG KALITUHAN SA PASIG MEGA MARKET
Maagang pakikibaka ang bumungad sa mga commuter malapit sa Pasig Mega Market ngayong Miyerkules, Marso 25, 2026. Nagkagulo ang mga pasahero sa pag-uunahan sa pagsakay dahil sa matinding kakulangan ng mga pampublikong jeepney sa kalsada. Ang krisis na ito sa transportasyon ay bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, na nagpilit sa maraming drayber at operator na limitahan ang kanilang biyahe o tuluyang tumigil muna dahil sa lugi.
DPWH AT MMDA, PINANGUNAHAN ANG METRO MANILA COUNCIL MEETING PARA SA TRUCK BAN AT KONTRA-BAHA PROGRAM
Pinangunahan nina DPWH Secretary Vince Dizon at ng MMDA Chairman ang mahalagang pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) ngayong Martes, ika-24 ng Marso, 2026, na ginanap sa MMDA Head Office. Layunin ng nasabing pagtitipon na plantsahin ang mga polisiya na direktang makaaapekto sa daloy ng trapiko at kaligtasan sa buong kalakhang Maynila sa ilalim ng masusing koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan.
LIBO-LIBONG TNVS DRIVERS, DUMAGSA SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE PARA SA P5,000 FUEL SUBSIDY
QUEZON CITY – Maagang pumila ang mga kwalipikadong Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers sa Quezon Memorial Circle ngayong Martes, ika-24 ng Marso, para sa pormal na pamamahagi ng P5,000 cash aid sa ilalim ng fuel subsidy program ng DSWD at LTFRB. Target ng nasabing programa na mabigyan ng ayuda ang humigit-kumulang 8,200 drivers upang maibsan ang bigat ng mataas na presyo ng petrolyo.
HEATSTROKE BREAK, SIMULA NA: MMDA, NAGMAHAGI NG INUMING TUBIG SA MGA FIELD PERSONNEL
Pinangunahan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes at General Manager Nicolas Torre III ang pamamahagi ng mga bottled water at suplay ng inuming tubig para sa mga field personnel ng ahensya nitong Lunes, Marso 16. Ginanap ang aktibidad sa MMDA Timog Avenue Base bilang hudyat ng pormal na pagpapatupad ng heatstroke break policy.
PANANAGUTAN SA PAGKASIRA NG MGA ILOG AT LUPANG NINUNO, IGINIIT NG MGA KATUTUBO SA PROTESTA SA DENR
Nagkaisa ang mga katutubong mamamayan, mga grupong pangkalikasan, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa harap ng Central Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong Biyernes upang gunitain ang International Day of Action for Rivers.
IKA-4 NA CIVILIAN MISSION SA WEST PHILIPPINE SEA, KASADO NA SA ABRIL
Inanunsyo kahapon ng civil society coalition na “Atin Ito” ang kanilang nakatakdang ikaapat na civilian-led mission sa West Philippine Sea (WPS) na binansagang “Balik Pag-asa” sa darating na Abril. Sa ginanap na press conference sa Quezon City, ipinaliwanag ng grupo na ang pangunahing layunin ng misyon ay maghatid ng tulong at suplay sa Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group.
EDSA-KAMUNING, TILA NAGING ‘GHOST TOWN’ MATAPOS ANG HIGANTENG OIL PRICE HIKE
Isang hindi pangkaraniwang tanawin ang bumulaga sa mga motorista ngayong ikalawang araw matapos ang ipinatupad na “big-time” oil price hike, kung saan ang karaniwang barado at siksikang bahagi ng EDSA-Kamuning sa Quezon City ay tila naging maluwag at halos walang sasakyan.
MAYOR JOY BELMONTE, PINAG-AAPOLOGIZE SI REP. BONG SUNTAY SA ‘INAPPROPRIATE’ REMARKS TUNGKOL KAY ANNE CURTIS
Tahasang kinuwestiyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang naging pahayag ni 4th District Representative Bong Suntay, kung saan hiniling ng alkalde na maglabas ang kongresista ng pormal na paumanhin dahil sa umano’y hindi angkop na mga salita nito sa gitna ng pagdinig sa Kamara. Naganap ang kontrobersya nitong Martes, Marso 3, 2026, sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaints laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Libreng Sakay sa ‘Electric Love Bus,’ ilulunsad ng MMDA at GET Philippines
Magbabalik sa mga kalsada ng Kamaynilaan ang tanyag na “Love Bus,” ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito gagamit ng krudo. Opisyal nang nilagdaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Global Electric Transport (GET) Philippines ang isang kasunduan para sa Electric Love Bus Program na magbibigay ng libreng sakay sa mga commuter. Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty.
KILOS-PROTESTA NG BAYAN, SUMALUBONG SA IMPEACHMENT HEARING LABAN KAY VP SARA
Kasabay ng muling paggulong ng impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte, naging maingay ang harapan ng House of Representatives nitong Lunes, Marso 2, dahil sa ikinasang kilos-protesta ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Bitbit ang mga placards, posters, o streamers, kinalampag ng mga miyembro ng BAYAN ang House Committee on Justice habang tinatalakay sa loob ng Batasang Pambansa ang mga reklamo laban sa pangalawang pangulo.
SEKTOR NG LEV, NAGTIPON SA QUEZON CITY PARA ISULONG ANG LOW-CARBON MOBILITY
Nagtipon ang mga gumagamit at tagapagtaguyod ng Light Electric Vehicle (LEV), mga kinatawan ng industriya, manggagawa sa transportasyon, at mga opisyal mula sa lokal at pambansang pamahalaan sa Timog Avenue, Diliman, Quezon City noong Pebrero 27, 2026.
‘WALANG TAKAS ANG MASTERMIND’ — AKBAYAN YOUTH -
Mariing kinondena ng Akbayan Youth ang ginagamit na dahilan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay “matanda at mahina” na upang iwasan ang pagharap sa hustisya sa International Criminal Court (ICC).
QCPD: VIRAL FACEBOOK POST UKOL SA RAPE AT PAGMAMALTRATO, FAKE AT SCAM
Mariing nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na walang katotohanan at isang sadyang panlilinlang o scam ang kumakalat na Facebook post tungkol sa diumano’y panggagahasa at pagmamaltrato ng isang stepfather sa biktima na kinilalang si “Michelle B. Sollidad” sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City.
DALAWANG SUSPEK SA PAMAMARIL SA SEKYU SA QUEZON CITY, ARESTADO NG QCPD
Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Anonas Police Station 9 (PS 9) ang dalawang lalaking sangkot sa pamamaril sa isang security guard sa Brgy. West Kamias nitong ika-19 ng Pebrero, 2026. Sa ulat ni QCPD Director PBGEN Randy Glenn Silvio, kinilala ang mga suspek na sina alias “Robert,” 27 taong gulang, na residente ng Bulacan, at alias “Ernesto,” 44 taong gulang, mula naman sa Leyte.
DA: SUPLAY NG IMPORTED NA SIBUYAS, HINDI SANHI NG PAGBABA NG FARMGATE PRICES; SAPAT LAMANG HANGGANG SA ANIHAN
Busy ang mga manggagawa sa pag-aayos ng mga sako ng sibuyas sa loob ng Balintawak Market nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, sa gitna ng mga ulat tungkol sa sitwasyon ng suplay at presyo nito sa bansa. Kasabay nito, nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na ang kasalukuyang stock ng imported na red onion sa mga cold storage ay hindi sapat para hilahin pababa ang farmgate prices—ang presyong binibili mula sa mga magsasaka—taliwas sa mga hinaing ng ilang producer.
Show More
loading
Actions
Is this you?
As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.Get in touch with Art
Contact Art, search articles and posts on X, monitor coverage, and track replies from one place.
Learn more about Muck Rack