MANILA, Philippines — Hindi maipaliwanag na yaman, pagtatakip sa mga binurang detalye sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ay matibay na ebidensya umano upang panagutin si Vice President Sara Duterte sa ikaapat na impeachment complaint na inihain laban dito sa Kamara. Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union na iginiit na isa itong seryoso at nakababahalang alegasyon na nagtulak sa kaniya para iindorso ang ikaapat na reklamo laban kay VP Duterte.