MANILA, Philippines — Sisimulan ni La Salle Green Hills standout Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ang kampanya nito ngayong araw sa 48th Southeast Asian Age Group Championships na idaraos sa Akuatik Selangor Shak Alam sa Malaysia. Si Mojdeh ang itinalagang team captain ng Philippine Aquatics Inc. para pamunuan ang 18-man national junior swimming team. Sa unang araw ng bakbakan, sasalang si Mojdeh sa boys’ 14-15 100m butterfly kung saan hawak nito ang personal best na 58.06 segundo.
Is this you? As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.
Claim your profile
Articles by Chris Co
Gilas sisikwat ng panalo vs Syria
MANILA, Philippines — Ilalatag ng Gilas Pilipinas ang buong puwersa nito sa pagharap sa Syria sa pagsisimula ng fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong araw sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia. Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Syria sa alas-8 ng gabi. Malakas ang lineup ng Nationals na binubuo ng matikas na frontline — ang pinakamatangkad na frontline ng Gilas sa FIBA events.
Boatwright at home sa Gilas
MANILA, Philippines — Ilang araw pa lamang ito sa team pero at home na at home na si naturalized player Bennie Boatwright sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia. Lunes lang dumating si Boatwright sa Malaysia para makasama ang Gilas Pilipinas. Sa unang salang pa lang nito sa ensayo, ramdam na agad ni Boatwright ang chemistry sa kanyang teammates. “Ever since I’ve been here, it’s been all love and everybody’s been welcoming,” ani Boatwright.
Madi Mojdeh handa na para sa SEA Age Group
MANILA, Philippines — Handang-handa na si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh na katawanin ang bansa sa international stage sa pagsabak nito sa 48th Southeast Asian Age Group Championships na lalarga mula Nobyembre 27 hanggang 29 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Umalis na kahapon si Mojdeh patungong Kuala Lumpur kasama ang national swimming team na makikipagbakbakan sa mahuhusay na tankers sa rehiyon. “I’m really excited and grateful for the opportunity to represent the Philippines.
Gilas ayaw pakampante vs Syria
MANILA, Philippines — Inaasahang ilalabas ng Gilas Pilipinas ang bagsik nito sa oras na makasagupa ang Syria sa Biyernes sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia. Walang balak ang Gilas Pilipinas na magpakampante lalo pa’t naghahabol ito ng importanteng panalo para mapalakas ang tsansang makapasok sa FIBA World Cup proper sa susunod na taon. Nasa ilalim ng Group E ang Syria tangan ang 2-6 rekord. Mahihirapan na ang Syria na makahabol sa mga nangungunang koponan.
World No. 1 spot natumbok ni Biado
MANILA, Philippines — Sumulong si Carlo Biado sa No. 1 spot sa World Nineball Tour (WNT) rankings — ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makuha ang naturang puwesto sa Tour. Base sa inilabas ng WNT, umakyat sa unang puwesto si Biado kung saan naungusan nito si Alloysius Yapp ng Singapore. Nakabase ang rankings sa mga kinita ng mga players sa season na ito. Kasalukuyang may $304,350 o mahigit P19 milyon si Biado habang may $296,430 o mahigit P18 naman si Yapp.
Gilas totodo kontra Syria
MANILA, Philippines – Wala sa isip ng Gilas Pilipinas na magpakampante sa pagharap nito sa Syria sa Biyernes sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia. Kaya naman inaasahang ibubuhos ng Pinoy cagers ang buong lakas nito lalo pa’t naghahabol ito ng importanteng panalo para mapalakas ang tsansang makapasok sa FIBA World Cup proper sa susunod na taon. Nasa ilalim ng Group E ang Syria tangan ang 2-6 rekord.
Alex Eala may natutunan kay Nadal
MANILA, Philippines – Malayo-layo na rin ang narating ni Pinay netter Alex Eala sa mundo ng tennis. Sa pagtatapos ng 2026 season, naabot nito ang career-high No. 15 sa WTA rankings. Ngunit sa bawat hakbang nito, isang aral mula kay Grand Slam champion Rafael Nadal ang dala-dala nito na nagsisilbing gabay sa kanyang tennis career. Ibinahagi ni Eala ang isang importantang mensahe na nakuha nito mula kay Nadal.
Boatwright nasa Malaysia na
MANILA, Philippines – Dumating na si naturalized player Bennie Boatwright sa Malaysia upang makumpleto ang 12-man team ng Gilas Pilipinas na aarangkada sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia. Galing si Boatwright sa laro nito sa Chinese Basketball League. Kaya naman nasa magandang kundisyon si Boatwright kaya’t hindi magiging mahirap para sa kanya na makuha ang sistema ng Gilas Pilipinas.
Gilas todo practice na sa Malaysia
MANILA, Philippines – Todo ensayo agad ang Gilas Pilipinas sa Seremban, Malaysia upang makabuo na agad ng game plan bago sumalang sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Dahil matagal nang magkakasama sa team, hindi na magiging mahirap para sa Gilas na maibalik ang chemistry dahil sanay na ang mga ito sa sistema. Bukod tanging si naturalized player Bennie Boatwright lamang ang magiging bago sa team.
NU Pep Squad may pinagdaanan bago makuha 3-peat
MANILA, Philippines – Isang solidong performance ang inilatag ng NU Pep Squad upang masungkit ang kanilang ika-10 korona sa UAAP Season 89 Cheerdance Competition noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ngunit sa likod ng tagumpay, maraming pinagdaanan ang NU Pep Squad upang makamit ang inaasam na three-peat. Ayon kay NU Pep Squad coach Gab Bajacan, hindi ma-perpekto ng kanilang team ang mga routines nito partikular na sa mga mahihirap na stunts.
Cone nabigla sa pagpanaw ni Simon
MANILA, Philippines — Nagluluksa ang basketball community sa biglaang pagpanaw ni PBA legend Peter June Simon. Ilan sa mga malalapit na kaibigang players at coaches ang nagbigay ng tribute para kay Simon. Isa na rito si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na nagulantang nang malaman ang hindi magandang balita. “Oh PJ, you left us way too soon. Showed us that you can come from anywhere and become a star with hard work and perseverance,” ani Cone sa kaniyang post sa social media.
Eala nominado sa WTA award
MANILA, Philippines — Pormal nang inilabas ng Women’s Tennis Association (WTA) ang mga kandidato sa para sa Most Improved Player of the Year award. At isa si Alex Eala sa listahan ng mga players na gumawa ng ingay at nakitaan ng malaking pag-unlad sa kanilang mga laro at ranking. Kasama rin sa mga inanunsiyo ng WTA para sa 2026 WTA Player Awards ang mga kandidato sa Player of the Year, Doubles Team of the Year, Newcomer of the Year at Comeback Player of the Year.
Abando out na sa Gilas
MANILA, Philippines — Naudlot ang muling paglalaro ni Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas na hahataw sa fifth window sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Malaysia. Malungkot na balita ang bumungad dahil nagtamo ng injury si Abando habang naglalaro ito sa laban ng Anyang kontra KCC Egis sa Korean Basketball League (KBL) noong Huwebes. Dahil dito, hindi na muna makalalaro pa si Abando para sa Gilas dahil kailangan pa nitong makarekober mula sa naturang injury.
AFAD sumusuporta sa PH shooters
MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) ang matagal na nitong suporta sa Philippine national shooting team, kasabay ng pagkilala sa talento at mga tagumpay ng mga Pinoy shooter sa international competitions. Isinusulong din ng asosasyon ang mga pagbabago sa polisiya upang mabigyan ang mga pambansang atleta ng mas malaking alokasyon ng bala na magagamit sa kanilang pagsasanay.
Eala nasa alapaap pa rin
MANILA, Philippines — Nasa alapaap pa rin si Alex Eala na hindi pa rin makapaniwala na hawak na nito ang No. 15 sa ranking ng Women’s Tennis Association (WTA). Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Eala na kung isang panaginip lamang ito, ayaw na nitong magising. “If this is a dream never wake me up,” ani Eala. Proud na proud ang Rafa Nadal Academy sa tagumpay ni Eala.
4 panalo target ng Gilas papasok sa World Cup
MANILA, Philippines — May misyon ang Gilas Pilipinas sa tangka nitong makapasok sa 2027 FIBA World Cup na idaraos sa Doha, Qatar. Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, kailangan ng Pinoy squad na makuha ang apat na panalo sa huling dalawang windows ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Kung maisasakatuparan ito ng Gilas Pilipinas, mas lalong lalakas ang tsansa nitong makuha nag awtomatikong silya sa FIBA World Cup at hindi na kailangan pang dumaan sa iba pang qualifiying event.
Sporting Arms Show sa Megatrade
MANILA, Philippines — Muling aarangkada ang 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa Megatrade Hall SM Megamall sa Mandaluyong City simula ngayong araw hanggang Nobyembre 22. Inaasang darating ang ilang kilalang personalidad sa naturang event. Ayon kay Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) President Alaric “Aric” Topacio, may 41 members ng kanilang grupo ang lalahok sa edisyong ito.
Boatwright aasahan ng Gilas sa 5th Window ng Qualifiers
MANILA, Philippines — Matikas ang lineup ng Gilas Pilipinas para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia. Sabik na si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makita ang magiging performance ng kaniyang bataan sa qualifiers lalo pa’t kailangan ng tropa na makakuha ng krusyal na panalo. Bumabandera sa listahan si naturalized player Bennie Boatwright na matapos ang mahabang paghihintay ay pormal nang masisilayan sa aksiyon kasama ang Gilas Pilipinas.
Mojdeh tututok naman sa SEA Age Group
MANILA, Philippines — Muling lalarga si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh sa tatlong magkakasunod na torneo kabilang na ang 2026 SEA Age Group Championships sa Malaysia. Sariwa pa si Mojdeh sa kampanya sa katatapos lamang na NCAA Season 102. Kaya naman magpapahinga lang ito ng ilang araw bago muling bumalik sa ensayo para sa mga susunod na tornong lalahukan nito. “For now, I’ll recover, get myself ready, and take on the next three competitions one race at a time.
Eala hahataw sa Auckland
MANILA, Philippines — Sisimulan ni Pinay netter Alex Eala ang kaniyang 2027 season sa pagsabak sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na idaraos sa Enero. Matapos ang holiday season, agad na sasalang sa pukpukang ensayo si Eala dahil lalarga ang naturang WTA 250 event mula Enero 4 hanggang 10. Posibleng isa si Eala sa mga seeded players sa naturang torneo dahil sa kaniyang mataas na ranking sa WTA.
Mojdeh tagumpay sa NCAA Season 102
MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ni La Salle Green Hills (LSGH) tanker Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ang kampanya nito matapos umani ng kabuuang pitong medalya sa NCAA Season 102 swimming competitions sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City. Rumatsada nang husto si Mojdeh para masikwat ang dalawang ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya at matulungan ang LSGH na masiguro ang ikalawang sunod na overall championship crown sa boys’ division.
Eala kumpirmado sa ASB Classic
MANILA, Philippines — Maagang sisimulan ni Alex Eala ang season nito dahil agad itong sasalang sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na aarangkada sa Enero. Inaasahang hindi masyadong makakapag-party si Eala sa holiday season dahil sasailalim ito sa pukpukang ensayo para sa WTA 250 event na papalo sa Enero 4 hanggang 10. Inaasahang isa si Eala sa mga seeded players sa naturang torneo dahil sa kaniyang mataas na ranking sa WTA.
LSGH tankers back-to-back champion sa NCAA swimming
MANILA, Philippines — Matagumpay na naisakatuparan ng La Salle Green Hills (LSGH) ang back-to-back titles matapos sumisid ng 12 ginto, 10 pilak at anim na tansong medalya sa boys’ juniors division ng NCAA Season 102 swimming competitions na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Nanguna sa ratsada ng LSGH tankers si Rafael Titus Sia na umani ng pitong ginto, isang pilak at tatlong bagong NCAA records para masungkit ang Rookie of the Year at Most Valuable Player of the Year award.
Madi bumanat pa ng 2 medals sa NCAA
MANILA, Philippines — Muling rumatsada si La Salle Green Hills (LSGH) standout Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh nang umani pa ito ng dalawang medalya sa ikatlong araw ng NCAA Season 102 swimming competitions na ginaganap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Naglista si Mojdeh ng isang pilak at isang tanso para umangat ang kanyang koleksiyon sa kabuuang isang ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya.
Pinoy bettors tumabo sa Martin-Picasso fight
MANILA, Philippines — Sariwa pa si Carl Jammes Martin sa matagumpay na kampanya kung saan nahablot nito ang World Boxing Council (WBC) silver featherweight belt sa Kingdom Arena sa Riyadh, Saudi Arabia. Naitakas ng Pinoy pug ang split decision win laban kay Mexican David Picasso kung saan pumabor kay Martin ang dalawang hurado na parehong nagbigay ng 95-94 puntos. Nakuha naman ng Mexican fighter ang ikatlong judge na may ibinigay na 96-93 na iskor. Bago magsimula ang laban, underdog si Martin.
Mojdeh nagdagdag pa ng 2 medals sa NCAA
MANILA, Philippines — Kumana pa ng dalawang medalya si La Salle Green Hills (LSGH) standout Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh sa pagpapatuloy ng NCAA Season 102 swimming competitions na ginaganap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Humirit ang 15-anyos na pambato ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ng isang pilak at isang tanso para umangat ang kanyang koleksiyon sa kabuuang isang ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya.
Mojdeh, Cabana ayaw paawat sa NCAA
MANILA, Philippines — Muling umarangkada ang La Salle Green Hills (LSGH) tankers matapos banderahan nina Kristian Yugo Cabana at Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ang ratsada nito sa ikalawang araw ng bakbakan sa NCAA Season 102 swimming competitions na ginaganap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Nakabawi si Cabana nang humataw ito ng dalawang ginto at isang pilak matapos mabigong makasungkit ng ginto sa opening day noong Martes.
Boatwright malaking tulong sa Gilas
MANILA, Philippines — Malaking tulong ang pagpasok ni naturalized player Bennie Boatwright sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers. Alam ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kapasidad ni Boatwright na isa sa mahuhusay na imports ng PBA sa mga nakalipas na kumperensiya. “He’s a talented guy; he’s gonna lend a lot of talent to the team and size and perimeter shooting, so he’s a welcome addition,” ani Cone.
Madi Mojdeh sumisid ng 1 ginto, 1 pilak sa NCAA Day 1
MANILA, Philippines — Sumisid si La Salle Green Hills (LSGH) tanker Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ng isang ginto at isang pilak na medalya sa opening day ng NCAA Season 102 swimming competitions sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Tinulungan ni Mojdeh sina Rodevic Gonzalvo, Gerald Esquivel at Ram Ubiadas para masiguro ng kanilang tropa ang gintong medalya sa 4x50m medley relay.
Wangkay naka-bronze sa YOG
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa 4th Youth Olympic Games nang kumana pa si Pi Durden Wangkay ng tansong medalya sa athletics competition na ginaganap sa Dakar, Senegal. Buong puwersa ang inilatag ni Wangkay para matiyak na uuwi ito bitbit ang tanso sa men’s 200m final event. Nagrehistro si Wangkay ng personal best na 21.36 segundo para makamit ang tansong medalya.
Eala pasyal muna sa Hong Kong
MANILA, Philippines — Relax-relax muna si Alex Eala matapos ang pukpukang kampanya nito sa Hong Kong Open kung saan nasungkit nito ang runner-up trophy. Nasilayan si Eala na namamasyal sa Hong Kong bilang bahagi ng pagpapahinga nito. Enjoy si Eala sa malamig na weather ng Hong Kong kasama ang kanyang pamilya. Nauna nang inihayag ni Eala na nais nitong magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at pansamantalang lumayo muna sa spotlight.
Silver itinakbo ni Cesar sa Youth Olympics
MANILA, Philippines — Ibinuhos ni trackster Naomi Marjorie Cesar ang buong lakas nito upag maibigay ang unang medalya ng Team Philippines sa 4th Youth Olympic Games na ginaganap sa Dakar, Senegal. Iniluklok ni Cesar ang Pilipinas sa medal tally nang angkinin nito ang pilak sa women’s 800m event kahapon sa Complexe Iba Mar Diop Stadium.
Bennie Boatwright makakalaro na sa Gilas
MANILA, Philippines — Sa wakas makapaglalaro na si naturalized player Bennie Boatwright suot ang Gilas Pilipinas jersey. Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone kung saan inaasahang masisilayan si Boatwright sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers. Lalarga ang qualifiers sa Kuala Lumpur sa Malaysia. Kasalukuyang naglalaro si Boatwright para sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.
Madi Mojdeh sisisid ng ginto sa NCAA Season 102
MANILA, Philippines — Ilalabas ni Behrouz Mohammad Mojdeh ng La Salle Green Hills ang buong puwersa nito para makahirit ng podium finish sa NCAA Season 102 swimming competitions na magsisimula ngayong araw sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Nakatakdang umarangkada si Mojdeh sa pitong individual events kabilang na ang 200m Individual Medley at 200m backstroke na aarangkada sa opening day ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Rest time muna para kay Alex
MANILA, Philippines — Matapos ang WTA Tour season, walang ibang nasa isip si Alex Eala kundi ang makapagpahinga. Makulay na tinuldukan ni Eala ang 2026 season matapos masungkit ang runner-up trophy sa katatapos na Hong Kong Open na ginanap sa Victoria Park Tennis Stadium. Yumuko si Eala kay American Claire Liu sa finals sa pamamagitan ng 3-6, 0-6 desisyon para magkasya lamang sa runner-up.
Caloy sasabak uli sa France
MANILA, Philippines — Muling masisilayan si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa France kasama ang OAJLP Gymnastique team. Pormal nang inanunsiyo ng OAJLP Gymnastique ang pagbabalik ni Yulo sa kanyang grupo para sa panibagong season. “Carlos Yulo is part of the Antibes team for this season,” ayon sa post ng OAJLP Gymnastique sa kanilang social media accounts. Ito ang ikalawang pagkakataon na masisilayan si Yulo kasama ang naturang team.
Eala yuko kay Liu sa Hong Kong Open finals
MANILA, Philippines — Hindi umubra ang lakas ni Pinay netter Alex Eala nang umani ito ng 3-6, 0-6 desisyon kay unseeded player Claire Liu ng Amerika sa finals ng Hong Kong Open kahapon na ginanap sa Victoria Park Center Court sa Causeway Bay, Hong Kong. Hindi naman uuwing luhaan si Eala dahil magkakamit ito ng $22,125 premyo o katumbas ng P1.4 milyon. Bukod pa rito ang nakuha nitong puntos upang umangat sa ranking sa pagtatapos ng WTA season.
Eala may bagong career-high sa WTA
MANILA, Philippines — Magarbong tatapusin ni Alex Eala ang season na ito dahil hahawakan nito ang bagong career-high sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings. Umangat pa sa No. 16 si Eala sa WTA live rankings matapos sumampa sa quarterfinals ng ginaganap na Hong Kong Open na isang WTA 250 event. Mas maganda ito sa kanyang No. 17 posisyon. Nakalikom na si Eala ng 2,327 puntos kung saan nakakuha ito ng karagdagang puntos matapos magtala ng tatlong sunod na panalo sa Hong Kong.
Walang beach volley sa 2027 SEAG
MANILA, Philippines — Out na rin ang beach volleyball event sa 2027 edisyon ng Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia. Kaya naman hindi madedepensahan ng Alas Pilipinas ang korona nito sa women’s beach volleyball event. Isa ang beach volleyball sa mga nasibak sa kalendaryo ng Malaysia SEA Games matapos ang pagpupulong ng SEA Games Federation Council.
Alex Eala pasok sa Hong Kong Open finals
MANILA, Philippines — Naitakas ni Alex Eala ang pahirapang 7-5, 3-6, 6-4 panalo kontra kay dating world No. 3 Maria Sakkari ng Greece para magmartsa sa finals ng Hong Kong Open kahapon sa Victoria Park Center Court sa Causeway Bay, Hong Kong. Ilang beses din na natigil ang laban dahil sa pabugsu-bugsong ulan. Subalit hindi natinag si Eala upang masiguro ang pag-entra nito sa finals sa ikalawang pagkakataon sa season na ito.
SportsPlus kaakibat ng Special Olympics Pilipinas
MANILA, Philippines — Hindi biro ang maging atleta lalo na ang mga lumalaban sa mga international competitions bitbit ang bandila ng Pilipinas. Matinding sakripisyo ang binubuhos ng bawat isa sa training upang masiguro na handang handa ang mga ito sa laban. Kasama na rito ang mga differently-abled athletes na gaya ng mga regular na atleta ay dumaraaan din sa pukpukang ensayo.
Eala paborito sa WTA most improved player award
MANILA, Philippines — Isa si Alex Eala sa mga paboritong manalo bilang Most Improved Player ng WTA Tour sa season na ito. Sinimulan ni Eala ang season sa ika-50 puwesto sa WTA rankings. Unti-unti itong umangat sa kanyang career-high na No. 17 dahil na rin sa matikas na kampanya nito sa taong ito. Kabilang na sa tagumpay ni Eala ang pagkopo ng kanyang kauna-unahang WTA Tour title matapos pagreynahan ang Mubadala DC Open sa Washington, DC.
Simmers, Medina nagningning sa Siargao
MANILA, Philippines — Maningning sina Caitlin Simmers at Gabriel Medina na nagkampeon sa kani-kanyang dibisyon sa unang edisyon ng World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro kahapon sa Cloud 9 sa Siargao. Inilampaso ng American world No. 6 na si Simmers si Australian surfer Isabella Nichols sa pamamagitan ng 12.00-10.77 desisyon upang makuha ang korona sa women’s division. Umabante si Simmers sa finals nang pataubin nito si world No. 2 Carissa Moore sa semifinals.
2027 SEA Games calendar nabawasan
MANILA, Philippines — Mababawasan ang mga paglalabanan sa 34th edisyon ng Southeast Asian Games na idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na taon. Ito ay matapos tagpasin ang siyam na events sa listahan. Kasama sa mga tinanggal ng Malaysia Southeast Asian Games organizing committee ang fencing, kickboxing, ju-jitsu, chess, wrestling, rowing, canoeing, traditional boat racing at handball.
Eala reresbak kay Valentova
MANILA, Philippines — Pakay ni Alex Eala na maiselyo ang tiket sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng 2026 Hong Kong Open ngayong araw sa Victoria Park Tennis Stadium sa Hong Kong. Inaasahang mapapalaban ng husto si Eala dahil haharapin nito si Tereza Valentova ng Czech Republic sa Round of 16 ng naturang WTA 250 event. Lalarga ang bakbakan nina Eala at Valentova sa alas-2 ng hapon.
AFAD event kasado na sa Nobyembre 18
MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagtataguyod ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) ng 32nd Defense and Sporting Arms Show sa Nobyembre 18 hanggang 22 sa Megatrade Hall SM Megamall sa Mandaluyong City. Maliban sa gunshow, nais din ng event na palakasin pa ang programa para sa responsableng paggamit ng baril at ang pagsulong sa kampanya labna sa mga illegal firearms.
WSL PH Pro sa Siargao tagumpay — Gregorio
MANILA, Philippines — Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio, malaking tulong ang pagdaraos ng World Surf League (WSL) Championship Tour sa Cloud 9, Siargao para sa Philippine sports. Naging pintuan ito upang makilala ang husay at galing ng mga Pinoy surfers na kayang makipagsabayan sa mga world-class surfers. “If you talk about the NBA, this is like the NBA Finals. If you talk about Formula One, this is like Formula One.
Simmers, Medina nagningning sa Siargao
MANILA, Philippines — Maningning sina Caitlin Simmers at Gabriel Medina na nagkampeon sa kani-kanyang dibisyon sa unang edisyon ng World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro kahapon sa Cloud 9 sa Siargao. Inilampaso ng American world No. 6 na si Simmers si Australian surfer Isabella Nichols sa pamamagitan ng 12.00-10.77 desisyon upang makuha ang korona sa women’s division. Umabante si Simmers sa finals nang pataubin nito si world No. 2 Carissa Moore sa semifinals.
2027 SEA Games calendar nabawasan
MANILA, Philippines — Mababawasan ang mga paglalabanan sa 34th edisyon ng Southeast Asian Games na idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na taon. Ito ay matapos tagpasin ang siyam na events sa listahan. Kasama sa mga tinanggal ng Malaysia Southeast Asian Games organizing committee ang fencing, kickboxing, ju-jitsu, chess, wrestling, rowing, canoeing, traditional boat racing at handball.
Show More
loading
Actions
Is this you?
As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.Get in touch with Chris
Contact Chris, search articles and posts on X, monitor coverage, and track replies from one place.
Learn more about Muck Rack