2 araw na tigil-pasada, ikinasa MANILA, Philippines — Magkakasa ang transport group na Manibela ng dalawang araw na transport strike sa susunod na linggo upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtatanggal sa puwesto kay Land Transportation Office (LTO) Chief Asec Markuz Lacanilao. Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, isasagawa nila ang tigil-pasada sa Nobyembre 23, Lunes, at 24, Martes. Kaugnay nito, nanawagan rin si Valbuena kay Pang.
Is this you? As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.
Claim your profile
Articles by Mer Layson
DOTr: 9 airport isasapribado pagsapit ng 2028
MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na plano ng pamahalaan na isapribado ang operasyon ng siyam na rehiyonal na paliparan sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 2028. Inihayag ito ni Dizon sa Pilipinas Conference 2026 na inorganisa ng Stratbase Institute noong Nobyembre 20, 2026.
Dizon: 9 paliparan, isasapribado sa 2028
MANILA, Philippines — Nakatakdang isapribado ng pamahalaan ang siyam pang paliparan sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, plano ng ahensya na ilipat sa pribadong sektor ang operasyon ng siyam na regional airport sa pamamagitan ng solicited bidding sa ilalim ng public-private partnership (PPP) program.
Rolbak: P2.55/L gasolina, P2.15 diesel
MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga motorista dahil inaasahang muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ay kasunod ng projection ng mas mahinang demand para sa langis sa pandaigdigang merkado. Ayon sa ilang source sa industriya ng langis, posibleng magkaroon ng bawas-presyo na P2.35 hanggang P2.55 kada litro sa diesel. Inaasahan din ang rollback sa presyo ng gasolina na maaaring umabot sa P2.00 hanggang P2.15 kada litro.
Pagsasara ng mga bangko fake news! – BSP
MANILA, Philippines – ‘Huwag maniwala sa isang post sa social media na magsasara na ang mga bangko sa bansa ngayong Biyernes’. Ito ang naging babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) s publiko matapos na mag-viral ang nasabing post sa Facebook. Ayon sa BSP, unang ipinost sa Facebook ang naturang video at tinanggal na ito ng platform. Gayunman, posible pa rin itong kumalat sa pamamagitan ng mga repost o kopya.
Cargo vessel ng toneladang soya, sumadsad sa Leyte
MANILA, Philippines – Isang cargo vessel na may lulang mahigit sa 1,800 metriko toneladang soya ang sumadsad sa Tood Islet sa Matalom, Leyte, kamakalawa. Dahil dito, kaagad na nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng rescue team at naghanda ng mga kagamitan upang maiwasan ang posibleng oil spill.
Mga bangko magsasara, fake news! - BSP
MANILA, Philippines — Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko hinggil sa isang pekeng social media video na nagsasabing ang mga bangko sa bansa ay magsasara sa Biyernes. Sa isang abiso ng BSP, nabatid na ang naturang video ay orihinal na ibinahagi sa Facebook, na siyang nagtanggal nito. Gayunman, nagbabala ang BSP na ang naturang video ay maaaring nagsi-circulate pa, nire-repost o kinukopya.
Obispo sa El Niño: ‘Bukod sa balde, gamitin ang kukote’
MANILA, Philippines — Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa publiko na huwag lang bumili ng balde at iba pang lalagyan ng tubig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Strong El Niño kundi gumamit din ng wastong pag-iisip at disiplina. Sa mensaheng inilathala sa kanyang Facebook page, sinabi ng obispo na mabuting maghanda ng balde, drum at iba pang imbakan ng tubig, ngunit hindi sapat ang mga ito upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig.
NAPOLCOM iniimbestigahan na gulo sa ASEAN rally
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naganap na komosyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista sa kasagsagan ng 49th ASEAN Summit sa bansa. Sa MACHRA Balitaan forum sa Harbor View Restaurant sa Maynila nitong Martes, sinabi ni Calinisan na nire-review na rin ng NAPOLCOM ang mga video at iba pang materyales kaugnay ng insidente.
NCRPO: Mananakit sa pulis, kakasuhan
Sa mga kilos-protesta… MANILA, Philippines — Ang sinumang mananakit sa isang pulis habang ito ay tumutupad sa kanyang tungkulin ay maaaring kasuhan ng Direct Assault sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas. Ito ang naging babala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brigadier General Christopher Abrahano sa mga indibidwal na mananakit ng mga pulis at sadyang gagamit ng karahasan sa gitna ng mga kilos-protesta ay pananagutin alinsunod sa batas.
Ex-kasambahay ni VP Duterte, hina-harass at tinatakot
MANILA, Philippines — Labis na nabahala ang kampo ni Vice President Sara Duterte nang sila umano ay makatanggap ng mensahe nitong gabi ng Nobyembre 16 mula sa account na pinaniniwalaang pag-aari ng isang dating household staff ng bise presidente. Sinabi ni Atty. Paolo Panelo, humihingi ng agarang saklolo ang dating staff at sinabing nasa kustodiya o kontrol umano siya ng ilang indibidwal na nagbanta sa kanyang buhay.
Rags to riches...Wiza Integrated Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang “rags to riches” na buhay na tinahak ng isang konsehala, businesswoman, aesthetician, mother at farmer sa Pangasinan Ang aking tinutukoy ay si Councilor Jenny Toquero na siyang owner Wiza Integrated Farm na makikita sa San Antonio, Sto Tomas, Pa- ngasinan. Si Coun. Jenny ay mula sa mahirap na pamilyang magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan pero dahil sa kanyang sipag, tiyaga, diskarte sa buhay at dedikasyon sa trabaho ay malayo na ang narating nito.
Emergency Room ng Ospital ng Maynila, nasa 191 percent capacity na
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nasa 191% capacity na ngayon ang emergency room (ER) ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC). Ang kapasidad ay naitala aniya hanggang 9:00AM ng Lunes, Nobyembre 16, lamang. Kaugnay nito, sinabi ni Domagoso na, “Hinihiling po natin ang pang-unawa at pasensya ng mga pasyenteng naghihintay ng atensyong medikal.” ani Domagoso.
Foreign firm balak magtayo ng oil refinery at depot sa Pinas
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo na nakatanggap siya ng liham mula sa Brightside Industries Group, LLC, isang kompanya mula Belgium na nais magtayo rin ng oil refinery at depot sa bansa na kahalintulad ng proposal ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) ng United Arab Emirates. Ayon kay Sen.
17 Pinoy seafarers ligtas sa banggaan ng tanker at riverboat
MANILA, Philippines — Nasa ligtas na kalagayan ang 17 Pinoy seafarers na lulan ng isang tanker na nakabanggaan ng isang American passenger riverboat sa Mississippi River. Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) sa naganap na salpukan ng tanker na Atlantic Asphalt at ng riverboat na American Heritage. Naganap anila ang insidente malapit sa Port of New Orleans sa Louisiana noong Nobyembre 13.
SWS, walang kaugnayan sa ‘Sigaw ng Bayan’
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng pamunuan ng Social Weather Station (SWS) na affiliated sa kanila ang “Sigaw ng Bayan” at ang nagpapakilala may-ari nito na si Danny Mangahas. Mariing itinanggi ni SWS Director Leo S. Laroza ang sinasabing ugnayan ng nagpakilala owner ng “Sigaw ng Bayan” (MPC) na si Danny Mangahas at pinabulaanan ang pahayag ni Danny na “tito” niya ang pioner at founder ng SWS si Dr. Mahar Mangahas.
300 binitbit sa ASEAN rally Trump, Pax Silica kinondena
MANILA, Philippines — Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 300 raliyista na kabilang sa iba’t ibang cause oriented groups na tutol sa pagdating ni US President Donald Trump at sa isyu ng Pax Silica kaugnay ng ginaganap na ASEAN Summit.
Belgian firm, nais magtayo ng oil refinery, depot sa Pinas
Nagpahayag ng interes ang isang kumpanyang nakabase sa Belgium na magtayo ng oil refinery at oil depot sa Pilipinas, katulad ng naunang investment proposal ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC). Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, makatutulong ang naturang proyekto upang mapalakas ang suplay ng langis sa bansa at maiwasan ang kakulangan nito sa panahon ng pandaigdigang krisis.
LRT-1, magpapatupad ng holiday schedule sa Nobyembre 16-18
MANILA, Philippines — Nakatakdang magpatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng holiday schedule para sa Nobyembre 16 hanggang 18, sa gitna ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summits sa bansa. “Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1447, s.
SWS, itinanggi kaugnayan sa ‘Sigaw ng Bayan’
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Social Weather Stations (SWS) ang anumang ugnayan nito sa grupong “Sigaw ng Bayan” at sa nagpapakilalang may-ari nito na si Danny Mangahas. Sa liham na ipinadala ng SWS, sinabi ni Director Leo S. Laroza na walang kaugnayan ang kanilang organisasyon kay Mangahas at hindi rin ito kamag-anak ng SWS founder na si Dr. Mahar Mangahas. “Mr. Danny Mangahas is not related to Dr. Mahar Mangahas,” ayon kay Laroza.
17 Pinoy seafarers, ligtas sa banggaan
MANILA, Philippines — Ligtas at nasa maayos na kalagayan ang 17 Pilipinong seafarers na sakay ng tanker na bumangga sa isang passenger riverboat sa Mississippi River malapit sa Port of New Orleans, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na sakay ng Marshall Islands-flagged tanker na Atlantic Asphalt ang mga Pilipino nang mangyari ang insidente. Wala ring Pilipinong kabilang sa mga sakay ng riverboat na American Heritage.
300 raliyista sa ASEAN Summit, inaresto
MANILA, Philippines — Umabot sa 300 raliyista,kabilang ang ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), katutubo, at miyembro ng grupong Lakbayan ng Timog Katagalugan, ang inaresto ng pulisya sa Muntinlupa City nitong Linggo, Nobyembre 15, 2026. Batay sa ulat, papunta sana ang delegasyon sa Liwasang Bonifacio upang magprotesta laban sa planong pagtatayo ng proyektong Pax Silica at sa pagbisita ni U.S. President Donald Trump kasabay ng pagbubukas ng 49th ASEAN Summit.
EDSA Busway, aakuin na ng DOTr sa 2027
MANILA, Philippines — Pamamahalaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang buong operasyon ng EDSA Busway, kasama na ang pagpapanatili ng mga footbridge, simula sa taong 2027. Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, na ang layunin ng hakbang ay maalis ang sistema ng pagtuturuan sa pagitan ng mga ahensya at masiguro ang sapat na badyet para sa maintenance.
DOTr, sasalo sa operasyon ng EDSA Busway sa 2027
MANILA, Philippines — Sasakupin na ng Department of Transportation sa 2027 ang buong operasyon ng EDSA Busway, kabilang ang maintenance ng mga footbridge, upang matiyak ang sapat na pondo para sa pagkukumpuni at pangangalaga ng mga pasilidad. Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ililipat na sa DOTr ang responsibilidad na kasalukuyang hawak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maiwasan ang pagpapasahan ng responsibilidad sa tuwing may kailangang kumpunihin.
Malaking rollback sa susunod na lingo
P5/L diesel, P4/L gasolina MANILA, Philippines — May nakaamba ulit na malakihang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo. Ito ay ayon sa pagtaya ng isang oil industry source, na base sa estimate ng Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw. Ayon sa source, ang presyo ng diesel ay inaasahang bababa ng mula P4.00 hanggang P5.00 kada litro habang P3.00 hanggang P4.00 kada litro naman sa gasolina .
Meralco, may dagdag singil ngayong Nobyembre
MANILA, Philippines — Nakatakdang magpatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan bunsod ng mas mataas na generation costs. Sa abiso ng Meralco, asahan na ang implementasyon ng P0.49 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag sa kanilang electricity rate. Anang Meralco, ang umento ay dulot ng mas mataas na generation charges na dulot ng pagmahal ng natural gas at paghina ng palitan ng piso kontra US dollar.
Lisensya ng taxi driver na naglabas ng itak, sinuspinde
MANILA, Philippines — Pinasuspindi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang lisensya ng isang taxi driver sa Iloilo City na naglabas ng itak laban sa nakagitgitang rider. Ayon kay Dizon, bukod sa masuspinde ay maaaring makansela rin ang prangkisa ng taxi. Sa ulat, naganap ang insidente noong Nobyembre 11, 2026, dakong alas-10:00 ng umaga sa Barangay Ungka, Jaro District, sa Iloilo City. Minamaneho ng driver ang isang asul na taxi nang may makagitgitan itong isang rider.
Malaking bawas-presyo sa petrolyo, asahan
MANILA, Philippines — Inaasahang ipatutupad sa Martes, Nobyembre 17 ang panibagong malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo. Batay sa pagtataya ng isang oil industry source na posibleng bumaba ng P4 hanggang P5 kada litro ang presyo ng diesel, habang nasa P3 hanggang P4 kada litro naman ang inaasahang rollback sa gasolina.
Comelec, walang kapangyarihang magtakda ng bagong petsa para sa naantalang BSKE
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na walang kapangyarihan ang poll body na magtakda ng bagong petsa para sa naantalang November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay Garcia, ang Kongreso lamang ang maaaring magtakda ng petsa sa naturang eleksiyon.
Pamilyang apektado ng El Niño sa Oriental Mindoro, inayudahan ng OVP
MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) ang mga pamilya sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng El Niño phenomenon at mga kalamidad. Sa isang pahayag, sinabi ng OVP na nagpamahagi ang kanilang Disaster Operations Center (DOC) ng nasa 2,614 relief bags at 2,614 food bags sa mga kuwalipikado at beripikadong beneficiary families na tinukoy ng Puerto Galera local government.
Marcos, Congress leaders, Gabinete, umangat governance ratings - RPMD
MANILA, Philippines — Tumaas ang Index of Governance (IOG) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 57.0% sa November 2026 Governance Survey ng RPMD Foundation Inc., katuwang ang iSTORYA! News at 1News.Ph. Nagtala rin siya ng 56.2% trust rating at 57.9% performance rating, lampas sa 55% passing benchmark. Umakyat din sa 63.1% ang IOG ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, habang tumaas din si Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na nakakuha ng 52.7%.
Mendoza, bagong BOC chief
Nepomuceno lilipat sa BCDA MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na iiwanan na niya ang kanyang kasalukuyang puwesto upang pamunuan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ito ay kasunod na rin ng panibagong balasahan sa mga pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ayon kay Nepomuceno, papalitan niya si Joshua Bingcang bilang pangulo at CEO ng BCDA.
Subsidy sa tuition ng Junior High tinaasan
MANILA, Philippines — Mas mataas na subsidiya sa tuition fee ang matatanggap ng mga mag-aaral sa pribadong junior high school matapos aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang dagdag sa Educational Service Contracting (ESC) grants, ang unang pagtaas mula pa noong 2017. Simula School Year 2027-2028, makatatanggap ng P17,500 ang mga ESC grantee sa NCR mula sa dating P13,000; P14,500 naman sa mga highly urbanized cities mula P11,000; at P12,000 sa iba pang rehiyon mula P9,000.
Subsidiya sa tuition fee ng JHS, tinaasan ng DepEd
MANILA, Philippines — Magandang balita dahil makakatanggap na ng mas mataas na subsidiya para sa tuition fee ang mga pamilyang may mga batang anak na nag-aaral sa private junior high schools sa bansa. Ito’y matapos na ma-secure ng Department of Education (DepEd) ang increase sa Educational Service Contracting (ESC) grant rates para sa kanila. Ayon sa DepEd, ito na ang kauna-unahang increase para sa naturang subsidiya simula pa noong 2017.
50 pang bus idadagdag sa EDSA Busway
Para sa ASEAN Summit, Christmas MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Huwebes ang pagpapakalat ng mga karagdagang bus sa EDSA Busway. Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang road sector ng DOTr na mag-deploy pa ng karagdagan pang 50 bus. Bilang paghahanda aniya ito sa nalalapit na pagdaraos ng ASEAN Summit at inaasahang pagdami ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.
P524.27 million agriculture products, nakumpiska sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P524.27 milyong halaga ng mga agricultural products sa isang warehouse sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City, dahil sa kawalan ng mga dokumentong magpapatunay sa legal na importasyon ng mga ito. Katuwang ng BOC sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Agriculture (DA) at Philippine Coast Guard (PCG) matapos matukoy ang mga iregularidad sa imbentaryo at dokumento ng mga produkto.
Top performing NCR Mayors at Reps. — RPMD survey
MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc., katuwang ang iSTORYA! News at 1News.Ph, ang independent, non-commissioned “Boses ng Bayan” survey sa NCR mayors at representatives. Isinagawa ito Nobyembre 2–7, 2026 sa 5,000 randomly selected respondents mula sa lahat ng socioeconomic classes, may 95% confidence level at ±1.6% margin of error.
PISTON, may tigil-pasada sa pagdating ni Trump
MANILA, Philippines — Isang araw na kilos-protesta ang ikakasa ng transport group na Piston sa pagdating ni US President Donald Trump sa Nobyembre 16 kasabay nang pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 Summit sa Metro Manila. Ito ang sinabi ni PISTON President Mody Floranda, na sasalubungin nila si Trump ng protesta na bahagi pa lamang ng serye ng mga aktibidad na kanilang isasagawa upang tuligsain ang US president.
DepEd laptops: Idi-disable kapag ibinenta o isinangla
MANILA, Philippines — Nagbabala si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na maaaring i-lock o i-disable remotely ang mga bagong pamahaging laptop para sa mga guro kung ang mga ito ay ibebenta, isasangla, o ililipat sa ibang tao nang walang pahintulot. Binigyang-diin ni Angara ang malawakang saklaw ng computerization rollout, na isinasagawa mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027. Mismong sina Pang.Ferdinand R.
Piston nagkasa ng transport strike vs Trump sa Nobyembre 16
MANILA, Philippines — Magkakasa ang transport group na PISTON ng isang araw na kilos-protesta sa Nobyembre 16 laban kay US Pres. Donald Trump. Ito’y kasabay ng pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 Summit sa Metro Manila. Ayon kay PISTON President Mody Floranda, sasalubungin nila si Trump ng protesta pagdating nito sa bansa. Aniya, bahagi pa lamang ito ng serye ng mga aktibidad na kanilang isasagawa upang tuligsain ang US president.
DepEd: Laptop ng mga guro, maaaring i-lock o i-disable kapag ibinenta o isinangla
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na may mahigpit na seguridad ang mahigit 231,000 laptop na ipamamahagi ng Department of Education (DepEd) sa mga guro at empleyado upang maiwasan ang pagbebenta, pagsasangla, o ilegal na paglilipat ng mga ito.
NCR’S top performing, most trusted mayors, reps. inilabas ng RPMD
MANILA, Philippines — Pitong alkalde ang nagtabla sa unang puwesto bilang top-performing at most trusted local chief executives sa National Capital Region (NCR), ayon sa pinakahuling “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc.
Leni-Raffy lamang sa Baste-Robin tandem survey – OCTA
MANILA, Philippines — Nalamangan ng tambalang Mayor Leni Robredo–Sen. Raffy Tulfo ang Mayor Baste Duterte–Sen. Robin Padilla tandem sa hypothetical 2028 presidential at vice presidential tandem matchup. Ito ay batay sa First 2028 Tandem Survey na isinagawa ng OCTA Research.
NCDA pinuri ni Tulfo nang gawing lifetime validity ang PWD ID
MANILA, Philippines — Labis na pinuri ni Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman Sen. Erwin Tulfo ang patakaran ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawing lifetime validity ang Unified Persons with Disabilities (PWD) identification cards ng mga may permanenteng kapansansan.
De-kalidad na punla...Efren Seedlings & Marites Garden
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang mga de-kalidad at magagandang punla ng iba’t ibang uri ng gulay na maaaring bilhin at itanim. Ang aking tinutukoy ay ang Efren Seedlings and Marites Garden na makikita sa Sitio Kina-wayanan, Laoac West, Alcala, Pangasinan. Ang nasabing Garden ay pag-aari ni Efren Barroga, dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Spain.
Lifetime validity ng Unified PWD IDs pinuri
MANILA, Philippines — Pinuri ni Sen. Erwin Tulfo ang patakaran ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawing lifetime valid ang Unified Persons with Disabilities (PWD) ID para sa mga may permanenteng kapansanan. Sa ilalim ng NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2026, ipatutupad ang digitally integrated at nationally recognized na sistema ng pagkakakilanlan para sa mga kwalipikadong PWD.
Tulfo naghain ng panukala vs AI-related na tanggalan sa trabaho
MANILA, Philippines — Naghain si Sen. Erwin Tulfo ng Senate Bill No. 2563 upang maprotektahan ang mga manggagawang Pilipino laban sa di-makatarungang pagtatanggal sa trabaho bunga ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa mga kumpanya. Ayon kay Tulfo, bagama’t mahalagang makaangkop ang mga negosyo sa makabagong teknolohiya, hindi dapat maisakripisyo ang kabuhayan ng mga empleyado.
Comelec: Mga botante, maagang magparehistro
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na maagang magparehistro para sa 2028 National and Local Elections (NLE). Ito’y kasunod ng pagsisimula muli ng voter registration sa bansa sa Nobyembre 10 hanggang Hunyo 30, 2027. Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mas makabubuti kung sasamantalahin ng mga botante ang mahabang panahon ng rehistruhan, sa halip na maghintay pa ng deadline.
Pope Leo XIV sa kabataan: Magpakasal, magsimula ng pamilya
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pope Leo XIV ang mga kabataan na magpakasal at magsimula ng pamilya. Ang payo ay ginawa ng santo papa sa ikalawang araw ng kanyang tour sa South America, na nakakaranas ngayon ng paglagapak sa birth rates. Dagdag pa niya, hindi dapat na matakot ang mga kabataan sa ‘forever.’ “Young people, dare to take the step of marrying and starting a family yourselves,” ani Pope Leo. “Don’t be afraid of ‘forever’!” aniya pa.
Proteksyon sa mga manggagawa na masisibak dahil sa AI, isusulong sa Senado
MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain ni Senate Committee on Social Justice,Welfare, and Rural Development Chairperson Sen.Erwin Tulfo na magbibigay ng karagdagang proteksiyon sa mga manggagawang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at automated systems ng mga kumpanya.
Show More
loading
Actions
Is this you?
As a journalist, you can create a free Muck Rack account to customize your profile, list your contact preferences, and upload a portfolio of your best work.Get in touch with Mer
Contact Mer, search articles and posts on X, monitor coverage, and track replies from one place.
Learn more about Muck Rack