I-FLEX ni Jun Nardo HINDI lang ang magpakilig sa fans ang mapapanood sa comeback series ng Wil-Bea loveteam nina Wilbert Ross at Bea Binene na Love U Lots. Matutunghayan din ng manonood ang character ni Bea na may Dissociative Identity Disorder (DID). Of course, puno rin ng kilig moments ng series na ikatutuwa ng kanilang fans na sumuporta sa kanila nang magsama sa The Golden Scenery of Tomorrow.