Tinutukan ng libo-libong “Anchors” o fans ng global pop group na HORI7ON ang panayam nito kasama si DJ Jhai Ho sa radio show na “Bongga Ka Jhai,” Linggo, Setyembre 17, 2023. Sa naturang programa, sumalang sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa mas detalyadong serye ng mga tanong, na siya namang game na game na sinagot ng bawat miyembro.