Ang historical drama film na Quezon ang big winner sa ginanap na 9th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) noong Linggo ng gabi, kung saan nakuha nila ang Best Picture kasama ang Best Screenplay at Best Production Design, habang ang bida nito na si Jericho Rosales ang nagwagi ng Best Actor at Direk Jerrold Tarog ang Best Director. Si Maris Racal ang itinanghal na Best Actress para naman sa pelikulang Sunshine.