MANILA, Philippines — Puntirya ng national swimming team na magarbong simulan ang kampanya nito sa pag-ariba ng 2025 Southeast Asian Games swimming competitions ngayong araw sa SAT swimming pool sa Bangkok, Thailand. Ipaparada ng Team Philippines ang 11 tan-kers sa pangunguna nina Olympic medalist Kayla Sanchez, SEA Games champion Xiandi Chua at ang frst-timers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Heather White. Kasama rin sa tropa sina Kyla Bulaga, Quendy Fernandez, Miranda Renner at Chloe Isleta.